ISA ang Star for All Seasons at veteran actress na si Vilma Santos sa makatatanggap ng ‘Lifetime Achievement Award’ mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Isasagawa ang Parangal ng Sining ngayong Abril 23.
Kasama ni Ate V na pararangalan si Lily Monteverde o si Mother Lily, ang matriarka ng Regal Entertainment at ang film professor, archivist at historian na si Nick de Ocampo.
Ang nasabing pagkilala ay dahil sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa pag-unlad ng Philippine Cinema.