NAGING usap-usapan ngayon ang kaligtasan sa France kasunod ng isang marahas na pag-atake sa isang matandang babae at kaniyang apo.
Ayon sa mga awtoridad, naganap ang insidente sa Bordeaux, isang port city sa timog-kanluran ng France, noong Lunes.
Ang video na nakunan ng mga surveillance camera ay nagpapakita ng isang lalaki na nakatayo sa kalye malapit sa isang bahay habang ang 73-anyos na babae at batang babae ay nakatayo sa pintuan nito at nakatingin sa labas.
Habang papalapit ang lalaki, bumalik ang babae at bata sa loob, ngunit pinigilan sila ng lalaki na isara ang pinto at nagpupumilit na ipasok ang kaniyang sarili.
Pagkatapos ay makikitang kinaladkad ng lalaki ang 73-taong-gulang na babae at bata palabas sa kalye at itinapon ang mga ito sa lupa.
Hinawakan niya ang batang babae at muling itinapon, bago may pinulot sa lupa at tumakbo paalis.
Ayon sa mga awtoridad dahil sa video at mga pahayag ng saksi ay agarang naaresto ang suspek pero hindi naman pinangalanan ito.
Ang matandang babae ay dinala sa ospital, at walang impormasyon na ibinigay ukol sa kaniyang kalagayan.
Ilang mga pulitiko ang nagpahayag ng pangamba ukol sa lumalaking bilang ng migrante sa France dahil sanhi umano ito ng karahasan sa bansa.