Vloggers at SMNI Anchors, pumasyal sa Hong Kong Disneyland

Vloggers at SMNI Anchors, pumasyal sa Hong Kong Disneyland

PUMASYAL sa Disneyland ang ilang DDS vloggers at SMNI Hosts dahil sa paanyaya ng Kingdom of Jesus Christ Hong Kong.

‘‘Punta tayo ng Disneyland ngayon. Ito yung pa-birthday sa akin ni Pastor Apollo C. Quiboloy,’’ ayon kay Master Judea Political Vlogger.

Nasa Hongkong ang ilang DDS Vloggers at SMNI Anchors matapos ang imbitasyon ng Kingdom of Jesus Christ Hong Kong Chapter.

At hindi mabubuo ang kanilang biyahe kung hindi dadalaw sa Hong Kong Disneyland.

Kaya nitong weekend, nag-ikot sa sikat na pasyalan!

Bakas sa ngiti ng bawat isa ang pasalamat sa pagkakataong makapunta sa lugar.

Isa-isa nilang sinubukan ang lahat ng rides at mga atraksyon sa Disneyland.

Sinulit ng mga bisita ang panahon at buong araw na inikot ang pasyalan.

Vloggers at SMNI Anchors, labis ang pasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa Hongkong Disyneland Adventure

Nasa 25 taon na ang gawain ng KOJC sa Hong Kong.

At sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Hong Kong Chapter, ang mga Vlogger at SMNI Hosts ang guest of honor sa selebrasyon.

Sa huli, labis ang pasalamat ng mga vlogger at SMNI Hosts sa KLC of Hong Kong.

Lalo na kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

‘‘Actually, first time pa lang akong narating dito sa Hong Kong sobrang saya. Kung hindi dahil sa imbitasyon ng KLC of Hong Kong, hindi ako makakarating dito sa Hong Kong. Kaya maraming-maraming salamat po sa KLC of Hong Kong. At saka syempre, higit sa lahat sa ating minamahal na si Pastor Apollo C. Quiboloy,’’ ayon kay Pambansang Loyal Political Vlogger.

‘‘Kung hindi po kay Pastor Quiboloy, hindi po ako makakalabas ng bansa. First time pong nangyari sa buhay ko to na si Pastor Quiboloy lang pala ang makakapagpalabas at makakapagdala sa Disneyland… Grabe po, first time ko pong makapunta sa Disneyland, sobrang ganda! Pastor, maraming-maraming salamat po!’’ saad ni Brothers Travellers Political Vlogger.

‘’Wow grabe, alam niyo Pastor noong bata ako pinapangarap ko yun. Tapos hindi ko po talaga nasubukan yun. Yun lang pala! Pero alam niyo Pastor, kung nanonood ka ngayon… Grabe talaga, pagpasok ko doon sa Disneyland ang una ko kaagad naisip parang nakita ko na to. Paglabas ko sabi ko, nang makita ko yung mga mansion uy nakita ko na to doon sa Tamayong, doon sa Prayer Mountain! Kaya Pastor, kaya pala na ganoon kaganda ang lugar mo doon kasi kinuha pala ang sistema doon sa Disneyland. Grabe ang experience namin, grabe! Napakasaya, magkasama kami ni Erik. Sobra talaga ang nakakatuwang experience na bagamat pampabata ito ay nabigyan mo kami ng break para maramdaman na may ganito palang panahon na dapat iwasan muna natin na iwasan muna natin ang katoxican. Pinadama mo sa amin dito ang tinatawag na respeto para sa lahat ng mga tao,’’ ani VMR Channel Political Vlogger

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble