Masayang nakiisa ang mga volunteer ng Aklan sa ‘’One Tree, One Nation’’ Nationwide Tree Planting na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Daan-daang punla ng Narra, Acacia, Calamansi at iba pang uri ng punong namumunga ang itinanim ng mga volunteer sa Agbanawan, Banga, Aklan para sa kalikasan at para sa bayan.