Voter education sa Metro Manila, tututukan ng PDP-Laban para iwas-budol sa 2025 elections

Voter education sa Metro Manila, tututukan ng PDP-Laban para iwas-budol sa 2025 elections

NAGBUKAS ng bagong headquarters ang partido PDP-Laban, araw ng Biyernes, Setyembre 27 bilang paghahanda sa 2025 mid-term elections.

Mismong sa Makati City, na isa sa mga sentro ng komersyo sa Pilipinas ang bagong headquarters.

Dito nila gagawin ang symposiums at voter education forum ng kanilang grass roots members.

“Alam naman natin na heavily voted population ay nandito sa NCR and so meron kaming mga plano no to educate especially with voters,” ayon kay Vivian Velez, PDP-Laban Vice President for National Capital Region.

Saad rin ng aktres at PDP-Laban Vice President for Metro Manila na si Vivian Velez, mahalaga sa partido ang voter education para iwas-budol.

Karamihan kasi sa grass roots members ng partido ay nabudol sa nagdaang 2022 elections.

“Yeah, seminars, symposiums, and online seminars para makapili ng mabuti ang mga voters at hindi maging personality-based,” ani Velez.

Sumuporta sa Uniteam nina Bongbong Marcos at VP Sara Duterte ang PDP.

Pero, ang mga opisyal ngayon ng partido ang subject ng congressional investigation.

Nariyan ang quadcom probe sa isyu ng extrajudicial killings sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na Chairman ng PDP.

May mga banta rin ng impeachment laban kay VP Sara.

Kaya iwas-budol, voter education ang susi para sa 2025 elections.

“Alam natin kung gaano kahalaga ‘yan eh. Na of course nakikita na natin ano. Siguro sana mulat na mulat ang ating mga voters dahil alam natin na connected ‘yan sa ating mga buhay sa ating mga hanapbuhay, sa ating mga pang-araw-araw na ginagawa,” aniya.

Naglabas na ng 12-man senatorial line up ang administrasyon para 2025 elections.

Ilan sa mga ito ang pumuna noong eleksiyon.

Ang PDP-Laban, tatlo pa lang ang pinangalanang pambato sa eleksiyon sa sususunod na taon.

“Kayo na lang po ang humusga. Alam naman po natin ‘yung word na trapo and alam na rin natin kung sino ang nagpe-perform and non-performance at kung sino lang ‘yung swaying dahil nasa admin or you know,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble