NAMAHAGI si Vice President Sara Duterte ng food packs sa Manila Golden Mosque and Cultural Center kamakailan.
Ito ay bilang pakikiisa ng Office of the Vice President (OVP) sa pagdiriwang ng Eid Al-Fitr na tanda ng pagtatapos ng Ramadan.
Umabot sa 500 Eid Al-Fitr food packs ang naipamahagi ng OVP sa mga ina na residente ng Barangay 384.
Kinilala naman ni VP Duterte ang kontribusyon ng mga inang Muslim sa pangangalaga ng kanilang kultura at tradisyon, at sa tungkuling ginagampanan nila sa lipunan.