INANUNSIYO ni Vice President Sara Duterte na babalik siya sa Netherlands upang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan sa Mayo 31.
Sa pagbalik ay kasama rin niya ang kaniyang ina na si Elizabeth Zimmerman, ang dating asawa ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Pangako na rin aniya ito sa kaniyang ina dahil noong una itong bumisita sa The Hague, Netherlands ay hindi siya nakapasok sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) dahil wala siyang permiso.
Sa Mayo 31, ipagdiriwang ni VP Sara ang kaniyang ika-47 na kaarawan.