VP Sara dumalo sa 2024 Nat’l Schools Press Conference Opening Program sa Cebu City

VP Sara dumalo sa 2024 Nat’l Schools Press Conference Opening Program sa Cebu City

NAKIISA si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagtitipon ng mga mag-aaral na nangangarap maging mga mamamahayag kasama ang kanilang mga guro sa isinagawang National Schools Press Conference noong Hulyo 8, 2024 sa Carcar City, Cebu.

Kaugnay rito ay nagbigay ang pangalawang pangulo ng dalawang paalala sa mga future award-winning journalists sa kanilang interes at karera sa pamamahayag.

Una aniya ay huwag nilang paghaluin ang assumption at opinyon, at pangalawa ang tapat at makatotohanang paghahatid ng balita.

Binigyan diin ni VP Sara na bawat Pilipino ay may kakayahan at tungkulin sa pagsusulong ng pagbabago gamit ang malayang pamamahayag.

“Tandaan natin na ang bawat isa sa atin ay may kakayahan at tungkulin sa pagsusulong ng pagbabago na ating makakamit sa pamamagitan ng malayang pamamahayag,” mensahe ni VP Sara Duterte.

At bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, idineklara nito ang pagbubukas ng 2024 National Schools Press Conference.

 

Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter