DINALUHAN ni Vice President at Secretary of the Department of Education Sara Z. Duterte, ang pagbubukas ng 2024 Regional Festival of Talents (RFOT) na may temang “Galing, Talino at Husay ng mga Batang Makabansa sa Diwa ng MATATAG na Adhika” na isinagawa sa The Working Congressman Sports & Cultural Center, Tudela, Misamis Occidental, nitong Abril 11, 2024.
Sa kanyang mensahe, inihayag ng Kalihim na ang pagsasagawa ng RFOT ay hindi lamang para sa pagdiriwang ng talento kundi upang maging isang testamento ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at ang walang limitasyong potensyal na nasa loob ng bawat mag-aaral.