VP Sara Duterte at Slovak Amb. Tomas Ferko nagpulong para sa mas matibay na ugnayan ng Pilipinas at Slovakia

VP Sara Duterte at Slovak Amb. Tomas Ferko nagpulong para sa mas matibay na ugnayan ng Pilipinas at Slovakia

MALUGOD na tinanggap sa Office of the Vice President si H. E. Tomas Ferko, ang Non-Resident Ambassador ng Slovak Republic sa bansa noong Nobyembre.

Sa kasalukuyan siya ay nakabase sa Jakarta, Indonesia.

Masayang ibinalita ni H. E. Tomas Ferko ang planong pagbubukas ng Slovakian Embassy sa Lungsod ng Maynila upang lalo pang mapayabong at mapagtibay ang ugnayan ng dalawang bansa.

Ito ang magbibigay daan sa pagbubukas ng malakas na ugnayan sa larangan ng pambansang ekonomiya.

Bago matapos ang pagpupulong, parehong binigyang diin ng dalawang bansa ang pagkilala sa kahalagahan ng multi-lateral at mutual cooperation.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble