DUMALO si Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng ika-89th Thanksgiving Anniversary ng Office of the Vice President noong Nobyembre 15 sa Gingoog City.
Ipinaabot nito ang kaniyang mensahe ng pasasalamat at ang paalala sa kahalagahan ng edukasyon sa pagbabago ng buhay.
Hinikayat din ng Bise Presidente ang kaniyang adbokasiya sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa mga komunidad.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapaskuhan, ipinaabot ni VP Sara ang kaniyang mensahe ng pagmamahal at pagpapatawad sa kapwa.
“Nakakataba ng puso ang inyong pagpaparating ng suporta at pagmamahal sa akin at sa ating opisina.”
“Maraming salamat sa mainit ninyong pagtanggap. Kayo ang inspirasyon ko upang patuloy na magserbisyo ng tapat at may malasakit.”
“Maraming salamat sa bumubuo ng Local Government ng Gingoog City sa tulong at suporta at mainit na pagtanggap,” pagpapasalamat ni Vice President Sara Duterte.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.