VP Sara Duterte, dumalo sa isang briefing ng Taguig LGU kaugnay sa namatay na 2 estudyante

VP Sara Duterte, dumalo sa isang briefing ng Taguig LGU kaugnay sa namatay na 2 estudyante

DUMALO si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa isang briefing na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Taguig at ng Taguig PNP kahapon sa Taguig City Satellite Office sa SM Aura tungkol sa namatay na dalawang estudyante sa isang paaralan sa Taguig City.

Pinasalamatan ni VP Duterte si Mayor Lani Cayetano sa imbitasyong ito at marinig ang mga ginagawa at ginawa ng LGU at ng mga kapulisan.

At ang mabilis na aksiyon at tulong na kanilang ibinigay sa mga pamilya ng dalawang estudyante at sa paaralan.

Ayon pa sa bise presidente, mahalaga ang kalusugan hindi lamang ng katawan kundi ng pag-iisip lalo na ng mga kabataan.

Aniya, hindi madali at magiging madali ang buhay pero napakahalaga na meron napag-sasabihan at merong nakikinig.

Diin ni VP Duterte na ang lusog-isip ay mahalagang parte ng kalusugan at hindi dapat ipinagsawalang-bahala.

Payo nito na huwag matakot humingi ng tulong kung saan ang National Center for Mental Health (NCMH) sa ilalim ng Department of Health ay meron aniyang mga Crisis Hotline Numbers na puwedeng tawagan kung kailangan ng tulong 24/7.

1553 (Nationwide landline toll-free)

1800-1888-1553

Globe/TM

0966-351-4518

0917-899-8727

Smart/ TNT

0908-639-2672

Bilang Secretary ng Department of Education aniya ay patuloy siyang magtratrabaho at gagawa ng mga pamamaraan na masiguro na ligtas at protektado ang mga Pilipinong mag-aaral.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter