VP Sara Duterte: Mensahe sa Araw ng Kagitingan

VP Sara Duterte: Mensahe sa Araw ng Kagitingan

SA harap ng mga pagsubok at hamon na patuloy na dumating sa ating bansa, ipinahayag ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat Pilipino.

“Nakikiisa ako sa lahat ng mga Pilipino sa ating paggunita ng Araw ng Kagitingan. Ang kagitingan ng mga Pilipino noong World War II sa Battle of Bataan ay umukit ng isang mahalagang pahina sa ating kasaysayan bilang paalala sa katapangan at kabayanihan ng ating lahi, sa gitna ng kalupitan at pang-aapi.

Ngayong tayo ay nahaharap sa iba’t ibang hamon na sumusubok sa ating pagkakaisa at pagsulong, nawa’y ang kanilang kabayanihan ay magsilbing inspirasyon sa bawat Pilipino.

Sa Bataan ay naipanalo ng mga Pilipino ang pag-asa at ang taglay nitong kapangyarihan para magpatuloy tayo sa pagsulong sa kabila ng mga hamon ng panahon. Ipagdiwang natin ang kanilang alaala sa pamamagitan ng pagtatag ng isang bansang kailanma’y hindi na muling daranas ng gayong pagdurusa.

Sa ating pagmamahal sa bayan at pananalig sa Diyos, harapin natin ang mga hamon, taglay ang paniniwalang nasa atin ang kapangyarihan para sa pagbabago at mas magandang bukas. Isang makabuluhang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa bawat isa sa atin.

Ang lahat ng ating ginagawa ay para sa Diyos, sa bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino,” mensahe ni Vice President Sara Duterte sa Araw ng Kagitingan.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble