NAGBIGAY pugay si Vice President Sara Duterte sa lahat ng mga manggagawang Pilipino kung saan kinilala nito ang kanilang mga sakripisyo.
“Kinikilala ko at pinarangalan ang mga sakripisyo ng ating masisipag, mahusay, at masigasig na manggagawang Pilipino na nagtatrabaho hindi lamang para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya kundi para sa bansa,” saad ni VP Duterte.
Marcos admin, kaisa ng mga manggagawang Pilipino sa pagsulong sa kanilang mga karapatan – VP Sara
Tiniyak din ng pangalawang pangulo sa mga manggagawa na kaisa nila ang Marcos administration sa pagtaguyod ng mas mabuting labor conditions at pagsulong ng kanilang mga karapatan.
“The Marcos administration stands in solidarity with you and supports your rights as workers, advocating for better labor conditions, promoting better training and upskilling, and seeking ways to improve the employability of the Filipino workforce. We recognize the need for more decent and quality jobs that are fulfilling and supportive of individual growth and push for the emergence of a work culture that understands the evolving demands of competing responsibilities as a global workforce and as a responsible family member,” saad pa ni VP Sara.
Hinikayat ni VP Duterte ang lahat na itaguyod ang isang work culture na nagpapahalaga sa mental health at well-being kasama ng mas maayos na sahod, mas ligtas na working spaces, mga patakarang tumutugon sa kasarian, mga estratehiyang sumusuporta sa mga working mothers, single parents at working students, mas mahusay na career growth opportunities, at personal na work fulfillment para sa lahat ng Pilipino.
DepEd, sisikaping makakaakit ng disenteng trabaho ang mga kabataang Pilipino – VP Duterte
Tiniyak din ng pangalawang pangulo bilang Education Secretary na sisikapin ng Department of Education (DepEd) na maging handa ang mga kabataang Pilipino sa hinaharap at makakuha ng mas dekalidad at disenteng trabaho.
“Sa susunod na limang taon, sisikapin ng Kagawaran ng Edukasyon na bumuo ng matibay na pundasyon ng kaalaman at kasanayan para maging handa sa hinaharap ang ating kabataang Pilipino at makaakit ng mas dekalidad at disenteng trabaho,” pagtatapos ni VP Sara.