VP Sara Duterte, nakiisa sa caucus ni Bong Suntay sa Quezon City

VP Sara Duterte, nakiisa sa caucus ni Bong Suntay sa Quezon City

QUEZON CITY, Philippines—Mainit ang pagtanggap ng mga taga-Quezon City nang dumalo si Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa isang caucus kasama si congressional candidate Atty. Bong Suntay. Ang pagtitipong ito ay nagpapakita ng matibay na alyansa ng mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa lungsod.

Si Atty. Suntay, na kilalang personalidad sa pulitika ng QC, ay nagsilbing kinatawan ng ika-4 na Distrito ng Quezon City sa huling tatlong taon ng administrasyong Duterte. Kilala siya sa kanyang tapat na serbisyo at pagiging malapit na kaalyado ng dating pangulo.

Ang pakikiisa ni VP Sara sa kaganapan ay malinaw na patunay ng kanyang buong suporta sa kandidatura ni Suntay, na patuloy na sumusulong sa adbokasiyang makatao, disiplinado, at tapat na pamumuno.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter