PANAUNHING pandangal si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagdiriwang ng National Heroes Day sa Cebu ngayong araw.
Partikular na pinuntahan ni VP Sara ang Liberty Shrine sa Brgy. Mactan sa Lapu-Lapu City.
Matatagpuan ang mga bantayog nila Ferdinand Magellan gayundin ni Lapu-Lapu at sa lugar na rin ito nangyari ang makasaysayang labanan ng Mactan noong 1521.
Nag-aalay ng bulaklak si VP Sara sa bantayog ni Lapu-Lapu na itinuturing na unang bayaning lumaban sa pananakop ng mga dayuhan.
Inilahad din dito ni VP Sara ang kaniyang mensahe para bigyang pugay at parangal ang mga natatanging bayani sa araw na ito.