IGINIIT ni Vice President Sara Duterte na ang pambansang krisis ay hindi dapat isisi sa kanilang pamilya kundi sa mga tunay na salot ng lipunan.
Tinawag niyang “systematic demolition job” ang mga patuloy na pag-atake sa kanila.
“Hindi ako ang problema ng Pilipinas. Hindi rin si Duterte ang tunay na problema ng Pilipinas.
Sino nga ba ang tunay na makikinabang kung tuluyang mabura sa mundo ang pamilyang Duterte? Hindi ang mga Pilipino. Lalo nang hindi makikinabang ang mga biktima ng krimen, ang mga nawalan ng trabaho, ang mga naghihirap, o maging ang mga nagugutom.
Ang nasasaksihan natin ngayon ay isang sistematikong demolisyon laban sa mga kalabang pulitikal—mga lider na minsang nangahas unahin ang bansa kahit pa salungat ito sa interes ng mga pinakamakapangyarihan sa ating bayan,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.