VP Sara, hindi dadalo sa pagdinig ng Kamara ngayong araw

VP Sara, hindi dadalo sa pagdinig ng Kamara ngayong araw

HINDI dadalo si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ngayong araw, Nobyembre 20.

Sa isang sulat na ipinadala ni VP Sara kay Cong. Joel Chua, iginiit nito na kahit dumalo ito sa nakaraang hearing noong Setyembre 18, 2024 ng nasabing komite ay hindi lang man siya tinanong.

Natanggap ng bise ang imbitasyon mula sa komite nang dumalo siya sa QuadComm hearing noong Nobyembre 13.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter