HINDI nakikita ni Vice President Sara Duterte na mas maging maayos o mas maging maganda ang Pilipinas ngayong bago na ang hepe ng Philippine National Police (PNP).
Para sa Pangalawang Pangulo, bakit naman italaga ang isang police official sa pinakamataas na posisyon kung malinaw na sangkot ito sa paglabag sa batas.
Inihalimbawa pa ng Pangalawang Pangulo ang pagtatalaga naman ng isang House Speaker na sangkot din sa bribery case sa abroad.
Nauna nang sinabi ng political analyst na si Malou Tiquia na sa halip na maging pangunahing tagapagpatupad ng batas si PGen. Nicolas Torre III
ay ito mismo ang nangunguna sa paglabag.
Bilang patunay aniya ang nangyari noong taong 2018 nang ideklara siya bilang persona non grata ng Sangguniang Panlungsod ng Calbayog City, Samar.
Ito’y dahil sa pagiging partisan niya sa isang political party at bigo pang pababain ang kriminalidad sa lugar.
Noong Agosto 2024 naman nang mangyari ang ilegal na pagkubkob ng libu-libong mga pulis sa pangunguna ni Torre sa compound ng religious group na Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City para lang hanapin ang isang tao.
Si Torre din ang nanguna sa ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kinakaharap nitong kaso na Crimes Against Humanity noong Marso.
Sapilitan pa itong dinala sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.