VP Sara, kinuwestiyon ang imbestigasyon ng Kamara sa Pro-Duterte vloggers

VP Sara, kinuwestiyon ang imbestigasyon ng Kamara sa Pro-Duterte vloggers

KINUWESTIYON ni Vice President Sara Duterte ang naging imbestigasyon ng House of Representatives kaugnay sa Pro-Duterte vloggers.

Aniya, bakit ang mga ito lang ang pinatawag at hindi kasali ang vloggers na may ginawa ring mga kasinungalingan laban sa kanya.

Kung titingnan aniya, kapag ang isang vlogger ay may content na tila salungat o kritiko sa kasalukuyang administrasyon ay agad-agad na ipinapatawag.

Pinakahuling humarap sa Kamara ang Pro-Duterte vloggers noong March 21, 2025 upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanila.

Ilan sa mga dumalo sina Krizette Chu, MJ Quiambao Reyes at Mark Lopez.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble