LAYUNIN ng Department of Education (DepEd) sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng ahensiya na maipaliwanag at maibahagi sa mga kabataan ang importansiya ng kasaysayan.
Lalong-lalo na ang kahalagahan ng mga nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa bayan.
Sa mensahe ng pangalawang pangulo ngayong ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, ang mga hangarin ng mga naging bayani na ipagtanggol ang dangal at integridad ng bansa sa panahon ng digmaan ay dapat maging inspirasyon na dapat tularan ng lahat.
Ito ang dahilan kung kaya’t patuloy na isapuso at tutukan ani VP Sara ang mga aral ng kasaysayan.