VP Sara, mananatiling naka-focus bilang VP, DepEd Sec kahit nangunguna sa 2028 presidential bets ng publiko

VP Sara, mananatiling naka-focus bilang VP, DepEd Sec kahit nangunguna sa 2028 presidential bets ng publiko

MANANATILING naka-focus sa tungkulin.

Ito ang sinabi ni Vice President Sara Duterte ngayong nangunguna ito sa presidential bets kasama si Sen. Raffy Tulfo para sa 2028 batay sa latest survey ng Pulse Asia.

Aniya, napakaaga pa para pag-usapan ito ngayon at mas mainam na unahin muna ang kaniyang mga gampanin bilang pangalawang pangulo at kalihim ng Department of Education (DepEd).

Sa Pulse Asia survey na isinagawa noong Marso 6 hanggang 10, 34% ang nagnanais na tumakbo si VP Sara bilang pangulo sa 2028 national elections at 35% kay Sen. Tulfo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble