VP Sara: Marcos Jr., dapat managot sa ginawang pagdukot kay FPRRD

VP Sara: Marcos Jr., dapat managot sa ginawang pagdukot kay FPRRD

PINAIIMBESTIGAHAN ni Sen. Imee Marcos sa Ombudsman ang ilang opisyal ng gabinete ni Marcos Jr, gayundin ang Pambansang Pulisya sa isyu pag-aresto ng INTERPOL kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, base sa warrant ng International Criminal Court (ICC).

Kabilang sa inirereklamo sina Interior Secretary Jonvic Remulla, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, PNP Chief Rommel Marbil, kabilang sina CIDG Chief Nicolas Torre, at Special Envoy Markus Lacanilao.

Pero para kay Vice President Sara Duterte, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dapat na managot sa kontrobersyal na isyu ng pagkidnap kay dating Pangulong Duterte.

“Dapat talaga managot ang Pangulo ng Pilipinas because he allowed foreign entity, foreign organization to interfere with our national sovereignty,” ayon kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay VP Sara, imposible na mangyari ang isang operasyon gaya ng rendition o pagdakip sa isang Pilipino at paglipat sa kaniya sa ibang bansa kung walang direktang pahintulot mula kay Marcos Jr.

“Hindi naman mangyayari lahat ‘yun kung walang approval ng Pangulo, ‘yung tinatawag natin na rendition o ‘yong pag-kidnap o pagkuha ng isang citizen sa loob ng bayan niya at dalhin siya sa isang foreign jurisdiction para ipakulong doon. Hindi mangyayari iyan kung walang approval ng President. Malabo na gumalaw ang mga departments ng kanya-kanya lang unless incapacitated na talaga ‘yong President natin na hindi na talaga din niya alam kung anong nangyayari sa bayan,” ayon pa kay VP Sara.

Sinabi rin ng Pangalawang Pangulo na nagkakaroon na ng pattern ng kawalan ng aksiyon at kaalaman mula kay Marcos Jr. tulad ng nangyaring ilegal na pagkubkob sa religious compounds ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

“Which also shows a pattern as well, from previous statements of the President tulad na lang noong raid o occupation ng PNP sa KOJC na hindi niya alam kung anong nangyayari doon sa loob at mga iba pa niyang mga statements na it doesn’t make sense anymore,” aniya pa.

VP Sara: Mga kakulangan ng gobyerno, hindi matatakpan ng pag-atake sa mga hindi kaalyado

Sa huli, isang matapang na mensahe ang ipinaabot ni Duterte sa kasalukuyang administrasyon, na aniya’y hindi nila matatakpan ang kanilang mga pagkukulang sa pamamagitan ng pag-atake sa mga hindi nila kaalyado.

“Hindi nila mababawi ‘yong kakulangan o kawalan nila ng proyekto, ng programa, at ng mga plano para sa kaunlaran ng ating bayan. Hindi nila mababawi ‘yon by attacking their political enemies kasi nararamdaman ng mga tao ‘yong gutom, ‘yong kahirapan, at lahat na na problema ng bayan. Hindi naman gusto ng mga tao na atakehin nila ang kalaban nila sa politika. Ang gustong makita ng mga tao ay development projects at kapayapaan at kaunlaran. So, kahit anong atake nila sa amin hindi pa rin babango iyong administrasyon. Hindi pa rin makikita iyong sinasabi nilang Bagong Pilipinas kasi mararamdaman at makikita ng taumbayan iyon,” giit nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble