VP Sara, mas makapagsasalita na sa mga mali ng administrasyon— political analyst

VP Sara, mas makapagsasalita na sa mga mali ng administrasyon— political analyst

NANINIWALA ngayon ang isang political analyst na mas magkakaroon ng check and balance sa gobyerno ngayong nagbitiw na sa puwesto si Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng gabinete ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay political analyst na si Prof. Froilan Calilung, mas malaya na ngayong makakagalaw si VP Sara sa pagpapahayag ng kaniyang saloobin lalo’t wala na itong inaalalang posisyon sa gabinete ni Marcos.

Naniniwala rin ito na dahil sa hakbang ng pangalawang pangulo ay mas mararamdaman na ngayon ang demokrasya sa bansa.

Ngayon pa naman ay tila nakararanas ng panggigipit mula sa pamahalaan ang lahat ng pumupuna sa kanila.

Gaya na lang ng ginagawang paghadlang sa mga Maisug Peace Rally kung saan inilalahad ang sentimyento ng taumbayan laban sa kasalukuyang gobyerno.

Kasabay pa rito ang pagsuspinde sa ilang opisyal ng mga lokal na pamahalaan na kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Samantala, dahil sa pagbitiw ni VP Inday Sara sa gabinete, hindi nito isinasantabi ang pagbuhos ng propaganda laban sa kaniya.

Matapos nga ang pagbitiw ni VP Sara bilang DepEd secretary ay inulan ito ng komento mula sa kaniyang mga kritiko.

Sa huli, naniniwala si Prof. Calilung na ngayong hindi na ito miyembro ng gabinete ay mas tataas pa ang makukuha nitong satisfaction ratings.

Follow SMNI News on Rumble