MASAYANG tinanggap ni Vice President Sara Duterte sa opisina ng Office of the Vice President (OVP) ang courtesy call ni Sister Camille N. Johnson, General President, Relief Society, at iba pang mga kasama nito sa Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints.
Nagpasalamat ang bise presidente sa kanilang ginagawang tulong sa komunidad at sa kapwa Pilipino lalo na sa mga kabataan at sa panahon ng sakuna.
Kahanga-hanga aniya ang kanilang kabutihang puso na handang tumulong sa lahat ng pagkakataon, bagamat iba’t iba ang paniniwala ng bawat isa.
Ikinararangal din ni VP Sara na makipagtulungan sa lahat ng mga grupo na bukas-palad na makipagtulungan para sa mga mamamayang Pilipino.