NAIS ni Vice President Sara na mailatag muna ang guidelines para sa gagawing drug testing.
At bagama’t hindi naman napag-usapan sa kanilang pamilya, gusto ng pangalawang pangulo na sabay-sabay silang magkakapatid na sumailalim dito.
Kamakailan lang ay naghain si Congressman Pulong Duterte ng isang panukala na nire-require ang lahat ng elected at appointed government officials, kasama ang presidente, na sumailalim sa mandatory random drug testing kada anim na buwan.
Sumang-ayon dito si VP Duterte na aniya ay kailangan ng batas para doon sa mga opisyal ng gobyerno na ayaw magpa-drug test.
Matatandaan na hinamon din ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa hair follicle test para pasinungalingan ang ulat na siya ay isang adik.
Mas naging malakas ang panawagan na magpa-drug test si Marcos Jr. nang lumutang ang isang umanong cocaine video sa social media.