VP Sara nakiisa sa 25th Pandanan Festival and 171st Independence Day ng Luisiana, Laguna   

VP Sara nakiisa sa 25th Pandanan Festival and 171st Independence Day ng Luisiana, Laguna   

NAKIISA si Vice President and Education Secretary Sara Duterte sa Luisiana, lalawigan ng Laguna sa pagdiriwang ng kanilang 25th Pandanan Festival at 171st Independence Day noong nakaraang buwan.

Ang bayan ng Luisiana ay tinaguriang “Little Baguio” ng Laguna dahil sa paghahambing ng malamig na klima sa kanilang lugar.

“Namangha ako sa ipinakitang galing ng mga taga-Luisiana sa paghabi ng pandan na isa sa pangunahing pangkabuhayan ng mga kababayan natin doon. Kaya ipinaalaala ko sa kanila na pangalagaan ang kanilang tradisyon sa paghabi ng pandan at masigurado na maipamana ang talentong ito sa mga susunod pang mga henerasyon,” ani VP Sara Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble