VP Sara nanguna sa PagbaBAGO Trees campaign sa Cotabato City

VP Sara nanguna sa PagbaBAGO Trees campaign sa Cotabato City

SA pamamagitan OVP—BARMM Satellite Office, personal na pinangunahan ni Vice President Inday Sara Duterte ang isang tree planting activity sa Biniruan, Poblacion 9, Cotabato City nitong Mayo 6, 2025.Ang Biniruan sa Cotabato City ay isang dating conflict-affected area, at sa pamamagitan ng programang PagbaBAGo: A Million Trees Campaign ng Office of the Vice President, pinalalakas nito ang simbolo ng bagong simula at ang pangakong muling pagyabong ng kalikasan at pamayanan.

Sa bawat punong itinanim, muling isinabuhay ang diwa ng pagbabago, pagkakaisa, at paghilom.

Lubos ang pasasalamat ng OVP sa taos-pusong pakikiisa ng Pamahalaang Barangay ng Poblacion 9 at sa mainit na pagtanggap ng buong komunidad.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble