VP Sara naniniwalang walang pinoprotektahan si SP Escudero

VP Sara naniniwalang walang pinoprotektahan si SP Escudero

NANINIWALA si Vice President Sara Duterte na walang kinatatakutan o pinoprotektahan si Senate President Chiz Escudero.

Tugon niya ito matapos naging isyu ang pagpapaliban ni Escudero sa paglalahad ng articles of impeachment laban sa kaniya.

Mapapansin na imbis na Hunyo 2 ay naging Hunyo 11 na ito.

Sinasabing ang dahilan ng paglilipat ng schedule ay ang pangangailangan ayon kay Escudero na talakayin muna ang mga prayoridad na panukala ng Senado bago mag-adjourn ang Kongreso.

Ngunit iba ang nakikita rito ng mga pumapabor sa impeachment ni VP Sara.

Ang pagpapaliban para sa kanila ay naglalagay sa alanganin ng kapalaran ng impeachment trial.

Kaunti lang din ayon sa mga kritiko ang katiyakang ibinigay ni Escudero kung ano ang mangyayari sa Hunyo 11.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble