VP Sara ngayong Semana Santa: Malalampasan natin ang dilim

VP Sara ngayong Semana Santa: Malalampasan natin ang dilim

SA gitna ng paggunita ng Semana Santa, nagpaabot ng mensahe si Vice President Sara Duterte.

Hinikayat ni VP Sara ang taumbayan na magbalik-loob, magkaisa, at palalimin pa ang pananampalataya sa gitna ng mga pagsubok.

Ayon kay VP Sara, ang Semana Santa ay panahon ng pagninilay sa sakripisyo ni Hesus para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Aniya, sa mga panahong tayo ay pinanghihinaan ng loob, nawawalan ng pag-asa, at pinupuno ng galit, ang pagmamahal ni Hesus ang dapat magsilbing gabay at lakas.

“Magsilbi sanang ilaw sa atin ang sakripisyo ni Hesus,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin din niya ang patuloy na hamon na kinahaharap ng bayan—ang lalong lumalalim na pagkakahati ng lipunan at ang matitinding krisis.

Ngunit sa kabila nito, mensahe ng pag-asa ang kaniyang iniwan.

Manalig tayo. Magkaisa tayo. Malalampasan natin ang dilim. God save the Philippines,” ayon kay VP Sara.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble