PATULOY na binubuo ni Vice President Sara Duterte ang defense team ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa reklamong isinampa sa kaniyang ama na crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay VP Sara, may listahan siya ng mga abogado na kaniyang kakausapin.
Si British-Israeli Atty. Nicholas Kaufman ang mangunguna para sa depensa ni dating Pangulong Duterte.
Sabi pa ni VP Sara, sa oras na mabuo ang defense team, magwi-withdraw si Atty. Salvador Medialdea bilang abogado ni dating Pangulong Duterte.
Paliwanag ng bise, limitado lang ang slots para sa mga abogado at nais nilang ang bubuo sa defense team ay may karanasan sa ICC.