TAOS-pusong pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte ang mga kapulisan sa ginanap na Philippine National Police (PNP) Region 11-Public Safety Junior Leadership Course Class 2023-1 Alpha to Delta Graduation noong Huwebes, Enero 18, 2024 sa Davao City.
Ang mga nagsipagtapos ay binuo ng 185 na kapulisan.
Hindi rin ipinalampas ni VP Sara ang pagbati sa magigiting na miyembro ng kapulisan sa buong Rehiyon Xl dahil sa kanilang patuloy na ipinakitang huwarang serbisyo na nagresulta sa makabuluhang pagbaba ng krimen sa unang mga araw ng taon kumpara sa nagdaang taon.
Ani VP Sara, saludo siya sa lahat ng mga kapulisan na handang magbuwis ng buhay para sa kapakanan ng ating mamamayan.
Aniya, patuloy tayong magkapit-bisig para sa isang matatag at maunlad na bansa.