HUMIHINGI ng tawad si Vice President Sara Duterte sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil aniya ay nagkamali siya sa paghingi ng tulong at suporta para kay Pangulong Bongbong Marcos.
Ito ang isa sa kaniyang mensahe sa pagdiriwang ng 39th Anniversary of the Feast of the Passover ng KOJC ngayong gabi ng Setyembre 1, 2024.
“Hinihingi ko lang ang patawad ninyo na nagkamali ako, nagkamali ako sa paghingi ng tulong at suporta n’yo para kay Pangulong Bongbong Marcos.”
“I was on the mistaken belief that we were together on the platform of unity and continuity. Nagkamali ako kaya hinihingi ko ang patawad ninyo.”
“You know, this has been going on for 9 days, ang assault sa inyong Kingdom Nation and I could not come earlier dahil meron ding atake sa Opisina ng Pangalawang Pangulo at hindi ko maiwanan ang aking mga kasamahan sa OVP. But always remember na wala man ako lagi sa mga masasayang araw ninyo, pero nandito ako lagi sa inyong kalungkutan,” mensahe ni VP Sara Duterte, sa ika-39 anibersaryo ng KOJC sa Davao City.