HINDI na paliguy-ligoy pa si Vice President Sara Duterte sa pagbibigay ng dahilan kung bakit hindi nakalusot ang mga kandidato ng Alyansa sa katatapos na halalan.
Direkta niyang isinisi kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkatalo ng kanilang grupo.
Ayon kay VP Sara, walang iba na dapat sisihin sa pagkatalo ng Alyansa kundi mismong si Marcos Jr.
“And why do I think that the Alyansa Senators did not perform well? It’s because of the President. The President, the people are, the people find him wanting of his promises, and the people expect more from the President, particularly with regard to his work for our country. So, they should not blame anyone else anything that has happened. It’s just the President,” ayon kay Vice President Sara Duterte.
FPRRD sa pagkatalo ng kanilang mga katunggali sa halalan sa Davao City: “Tagam!”
Sa tanong kung ano ang naging reaksiyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa resulta ng halalan, lalo na sa lokal na antas, ito ang ibinahagi ni VP Sara.
“Oh, well, when I updated him and started giving the updates on who is for him and who is likely not for President Duterte. I didn’t have any reaction with the national results but on the local results, he said tagam (karma),” ani VP Sara.
Ang salitang “tagam” ay nagpapahiwatig ng karma o leksiyong dapat matutunan.
Matatandaang hindi nanalo ang mga Nograles at ilan sa kanilang mga kaalyado sa naganap na halalan sa Davao City.
Tinalo ni dating Pangulong Duterte si Karlo Nograles sa mayoralty race, habang hindi naman nasungkit ni Migs Nograles ang posisyon bilang kinatawan ng First District ng Davao laban kay Congressman Paolo Duterte.
Muli ring pinagkatiwalaan ng mga Dabawenyo si Mayor Sebastian Duterte bilang Vice Mayor ng lungsod.