Walang kasunduan ang PH sa China na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal—PBBM

Walang kasunduan ang PH sa China na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal—PBBM

IGINIIT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na walang umiiral na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Taliwas ito sa sinabi ng Beijing na nangako ang gobyerno ng Pilipinas na aalisin ang military vessel.

Giit ni Pangulong Marcos, hindi niya alam ang anumang ganoong kaayusan o kasunduan na aalisin ng Pilipinas mula sa sarili nitong teritoryo ang barko nito, ang BRP Sierra Madre, mula sa Ayungin Shoal.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ang ulat na muling nanawagan ang Chinese government sa gobyerno ng Pilipinas na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, na nasa exclusive economic zone ng bansa.

Mula pa noong 1999 ipinoste ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa Ayungin sa layuning gawin itong military outpost sa nasabing contested waters.

Idinagdag naman ng Punong Ehekutibo na binabawi niya ang anumang pangako sakaling mayroon mang umiiral na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil dito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble