WALANG pasok ngayong araw, Marso 3, 2025, sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Malabon.
Dahilan dito ang inilabas na forecast ng Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasang matinding init o heat index sa Metro Manila (Science Garden Station) na aabot sa 46 degrees Celsius.
Inaabisuhan na ang mga apektadong paaralan ay mag-shift sa modular distance learning.
Kung may emergency, tumawag sa mga numerong:
- 0942-372-9891
- 0919-062-5588
- 8921-6009
- 8921-6029
Maliban sa Malabon, wala ring physical classes o ipinaiiral ang blended learning sa Caloocan, Valenzuela, at Las Piñas.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa inyong mga lokal na pamahalaan.