Wanted Korean national, naaresto sa Angeles City sa kasong carnapping

Wanted Korean national, naaresto sa Angeles City sa kasong carnapping

ARESTADO ang isang wanted Korean national dahil sa kasong carnapping.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Rodrigo Ido Del Rosario, Presiding Judge of the Regional Trial Court Branch 114, Angeles City, Pampanga, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 (New Anti-Carnapping Law).

Ang pag-aresto ay ikinasa nitong linggo, February 23 sa isang bar sa Brgy. Balibago, Angeles City.

Kinilala ang suspek na Jaehoon Yoo, 43 anyos, isang Korean tourist na nakatira sa Brgy. Cuayan, Angeles City.

Pinayagan naman na makapagpiyansa si Yoo sa halagang Php 300,000.00.

Agad namang pinaalalahanan ng pamunuan ng PRO 3 ang mga nasasakupan nito na agad ipagbigay alam ang mga kahina hinalang kilos ng sinuman at ireport ang mga nasaksihang krimen para matugunan ng mga awtoridad.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble