Watawat ng Pilipinas, itinaas sa kauna-unahang flagpole sa Bakkungan Island

Watawat ng Pilipinas, itinaas sa kauna-unahang flagpole sa Bakkungan Island

ITINAAS sa kauna-unahang flagpole sa Bakkungan Island ang Watawat ng Pilipinas.

Pinangunahan ni AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) commander at incoming Philippine Army commanding general Lieutenant General Roy Galido ang pagtataas ng watawat sa kauna-unahang flagpole sa Bakkungan Island, Turtle Islands, Tawi-Tawi.

Ayon kay Galido, isinagawa ang aktibidad upang ipakita ang pagpapalit ng WestMinCom mula internal patungong external at territorial defense posture.

Maliban dito, nagsagawa ng groundbreaking ng solar lamp posts at turnover ng medical at school supplies sa isla bilang bahagi ng 17th founding anniversary ng WestMinCom.

Habang nagkaroon ng joint exercises at communication exercises ang land, sea, at air assets ng WestMinCom.

Nabatid na ang isla ay nasa border ng Pilipinas at Malaysia.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble