NASA Maguindanao na ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maglalagay ng water purification system para sa mga naapektuhan ng Bagyong Paeng.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Bangsamoro, sakay ng C-130 aircraft ang 15 tauhan mula sa Public Safety Division ng MMDA nang dumating sa Maguindanao del Norte.
Dala nila ang 30 units ng solar-powered water purification systems.
Agad din silang nagsagawa ng coordination meeting sa OCD Bangsamoro, 6th Infantry “Kampilan” Division ng Philippine Army, Ministry of Social Services and Development at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office-Maguindanao para sa mga lugar na hahatiran ng tulong.
Maliban dito, tutulong din ang mga tauhan ng MMDA sa clearing operations sa mga lugar na hindi madaanan dahil sa landslide.