MAKARARANAS ng malawakang daily service water interruptions ngayong linggo para sa mga customer ng Maynilad Water Services Inc.
Sa abiso ng Maynilad magsisimula ngayong Martes, Marso 28 ang water interuption bilang hakbang para makatipid ng tubig sa gitna ng nakaambang El Niño phenomenon sa 2nd half ng taon.
Sakop ng concession area ang ilang bahagi ng Manila, Quezon City, Makati, Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas, at Malabon.
Ang mga lungsod ng Cavite, Bacoor, Imus at bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario.
Sa ngayon, nakapaglagay na ang Maynilad ng mobile water tankers na nakastand-by para maghatid ng potable water sa mga kustomer.
Saad pa ng kompanya na nakadepende sa actual raw water volume na matatanggap ng kanilang treatment plants at sa actual rainfall na mapupunta sa watersheds ang itatagal ng water service interruption.
Samantala, bukod sa Maynilad ay magkakaroon ng pansamantalang pagkagambala sa serbisyo ng tubig ang ilang customer ng Manila Water sa 6 na barangay sa Antipolo City.
Ito’y para bigyang-daan ang pagsasaayos ng mga tagas sa Langhaya Bridge sa kahabaan ng Marcos Highway sa Brgy. Inarawan.
Magsisimula ang water interruption simula 9pm ng gabi.
Sa Martes, Marso 28 – 7am sa Miyerkules, Marso 29.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Dela Paz, Bagong Nayon, San Luis, San Isidro, San Juan at Inarawan.
Para sa kompletong listahan ng schedule ng mga maapektuhang lugar maaring bisitahin ang ang online website ng Maynilad at Manila water o ang official Facebook page at Twitter ng mga nasabing kompanya.