INIHANDA na ang brgy. covered court ng West Poblacion sa Kibawe, Bukidnon, para sa gaganaping ‘Ayusin Natin Ang Pilipinas’ campaign rally ngayong araw.
Aasahan na dadagsa ang mga taga-suporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy at ng PDP-Laban mula sa iba’t ibang barangay at karatig na bayan ng nasabing lungsod.
Ang pagtitipon ay magiging pagkakataon upang talakayin ang mga mahahalagang isyu sa bayan at ang pagpapalaganap ng kanilang mga programa.