Western Australia, magpapatupad ng ban sa fast food chains malapit sa mga paaralan

Western Australia, magpapatupad ng ban sa fast food chains malapit sa mga paaralan

IPINAG-utos ng Western Australia ang pagpatutupad ng ban sa food outlets malapit sa mga paaralan bilang paraan para sa pagresolba sa lumalalang obesity epidemic sa estado nito.

Karamihan ng mga residente sa estado ay overweight habang ang kapital na siyudad ng Perth ay napapaligiran ng fast food joints.

Ayon sa huling report na inilabas ng Western Australia’s Department of Health, 71 porsiyento ng mga matatanda at isa sa apat na mga bata sa estado ay overweight o obese.

Kinondena naman ng Obesity Prevention Manager ng Cancer Council Western Australia ang mga fast food chain na habol lamang ay pera ngunit wala nang pakialam sa kalusugan ng mga konsyumer nito.

Lumabas din sa ulat na 86 porsiyento sa mga paaralan sa estado ay mayroong fast food store sa loob ng 1-km radius nito.

Ipinag-utos ng mga awtoridad ang pagpapalit sa mga fast food chain ng masustansyang food outlets na matatagpuan din pauwi sa mga bahay ng mga residente nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter