Westlife inanunsiyo na magkakaroon muli ng bagong album

Westlife inanunsiyo na magkakaroon muli ng bagong album

BINATI ng Irish pop group na Westlife ang kanilang fans bilang pagdiriwang sa kanilang 25th anniversary ngayong taon.

Sa isang Instagram post ng grupo nitong Hunyo 12, 2025, sinabi nilang hindi anila inaasahang aabot pa sila ng 25 taon sa music industry.

Hindi lang din anila sila nananatili ng basta-basta kung hindi dahil sa fans na walang sawang sumusuporta sa grupo.

Dahil dito, inanunsiyo ng Westlife na magkakaroon sila ng panibagong album, special shows at marami pang iba.

Nilinaw nito na sa kanilang magiging music comeback ay hindi makakasama si Mark Feehily.

Si Mark ay kasalukuyang may health issues at hindi na nakakasama sa mga activity ng Westlife simula pa noong Pebrero 2024.

Ang Westlife ay nag-debut sa music industry noong Abril 1999 sa Sligo, Ireland.

Orihinal na five-member group bago nilisan ni Bryan McFadden noong taong 2004, ang Westlife ay binubuo nina Mark, Kian Egan, Nicky Byrne, at Shane Filan.

Sumikat sila sa mga kanta tulad ng ‘My Love’, ‘If I Let You Go’, ‘Swear It Again’, ‘Flying Without Wings’, ‘Fool Again’ at maraming iba pa.

Sa kanilang world tours, nakaanim na pagbisita na ang Westlife sa Pilipinas.

Ito ay noong 1999, 2001, 2006, 2011, 2019, at 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble