AS expected, nakuha ng Korean series na ‘When Life Gives You Tangerines’ ang Best Drama sa 61st Baeksang Arts Awards 2025.
Ang awards night ay ginanap sa Seoul, South Korea noong Mayo 5 na napuno ng palakpakan para sa mga film and series na binigyan ng pangaral.
Bida sa series ang all-time favorite Korean superstar na si IU at aktor na si Park Bo Gum, na nagpaiyak sa maraming fans worldwide dahil sa kanilang heartfelt na pagganap sa kanilang mga papel.
Nakuha rin ng series ang Best Supporting Actor and Actress Awards para kina Choi Dae Hoon at Yeom Hye Ran.
Best Film naman ang historical thriller na ‘Harbin,’ at nakuha rin ng cinematographer na si Hong Kyung Pyo ang Grand Prize sa kanyang naging ambag sa nasabing pelikula.
Hindi rin nagpahuli si Jo Jung Suk na Best Actor sa kaniyang pagganap sa ‘Pilot.’ Habang Best Actress naman si Jeon Do Yeon sa kaniyang papel bilang isang former police sa pelikulang ‘Revolver.’