WHO nagbabala sa peligro ng pagkonsumo ng hindi ligtas na mga pagkain

WHO nagbabala sa peligro ng pagkonsumo ng hindi ligtas na mga pagkain

NAGBABALA ang World Health Organization (WHO) na mahigit 1.6 milyong tao araw-araw ang nagkakasakit dahil sa hindi ligtas na pagkain.

Sa kanilang paliwanag, nakukuha ang mga sakit sa pagkain na kontaminado ng bakterya, virus, parasite, o kemikal.

Karamihan sa mga apektado ay mga bata, matatanda, buntis, at mga may mahinang immune system.

Kaugnay nito, muling iginiit ng WHO ang kahalagahan ng wastong paghahanda, pagluluto, at pag-iimbak ng pagkain upang maiwasan ang foodborne diseases.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble