Nakatutulong sa kalusugan ang hybrid work arrangements ayon kay Sen. Grace Poe.
Aniya, 75% sa mga isinailalim sa random survey ay nagsasabing mas ikinabubuti para sa kanila ang work-from-home setup lalo na sa physical, emotional, at mental health.
Nakatutulong pa anila ito sa mga manggagawa na makapagtipid at magkaroon ng sapat na oras para makasama ang pamilya.
Naniniwala rin si Sen. Poe na nakakadagdag ng negosyo sa Pilipinas ang hybrid setup dahil hindi na kinakailangan ang pagkakaroon ng office space na kailangang bayaran.
Sa datos, ang Business Process Outsourcing (BPO) ay nakakapaghatid ng P25-B kada taon.