NANANATILING hindi pinapahintulutang makasali sa 2024 Paris Olympics ang mga atleta mula sa Russia at Belarus ayon kay World Athletics President Sebastian Coe.
Iyon nga lang, binigyang-diin nito na nagbabago ang mundo bawat limang minuto kung kaya’t kahit sinabi na nilang hindi pa rin sila maaaring makasali ay posibleng mabago ito.
Sinabi ni Coe na patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon at maaaring magbibigay sila ng update depende dito.
Kung matatandaan, sinabi ng International Olympic Committee na maaaring makasali ang Russian at Belarusian athletes ngayong 2024 Paris Olympics sa ilalim ng isang neutral flag.