TINAGURIANG “ultimate goal” ni Pinoy boxer Eumir Marcial ang makapag-uwi ng gold medal mula sa 2024 Paris Olympic Games.
Sa naging panayam ng media, nakita ni Marcial noong 2021 Tokyo Olympics kung saan nakakuha siya ng bronze medal na kayang-kaya niya namang makuha ang gold.
Samantala, isa si Marcial sa nabigyan ng Philippine Olympic Committee ng incentives nitong Martes, Disyembre 12, 2023 sa ginanap na General Assembly sa East Ocean Palace Restaurant, Parañaque City.
Ang incentives ay ibinigay para sa mga nakakuha ng medalya sa 19th Asian Games noong Oktubre.
Sa 19th Asian Games, silver medal ang nakuha ni Marcial.