UMABOT nasa 11 katao mula sa Japanese athletics team ang nag positibo sa COVID-19.
Si Hitomi Niiya ang pang labing-isang marathon runner mula sa Japan ang nakumpirma ng nagpositibo sa COVID-19.
Ito ang sinabing Japan Association of Athletics Federations; si Niiya na isa sa mga atletang lumahok sa World Athletics Championship na kasalukuyang ginaganap sa Oregon, ay nagkaroon ng lagnat bago ito nakumpirma ng nagpositibo sa COVID-19, na siyang sinundan naman ni Mao Ichiyama na nagpositibo din sa COVID-19.
Naiwan si Mizuki Matsuda na nag-iisang Hapon na tumakbo sa 42.195 km race sa pang-apat na araw ng kompetisyon.
3 coach din ang nagpositibo sa impeksyon, kasama ang asawa ni Ichiya mana si Kengo Suzuki, at ang head coach na si Kazuhiko Yamazaki.