World Central Kitchen, balik-operasyon na sa Gaza

World Central Kitchen, balik-operasyon na sa Gaza

BALIK-operasyon na ang World Central Kitchen, ang non-profit organization na isa sa mga nagsusuplay ng pagkain sa Gaza Strip.

Halos isang buwan ding hininto ng organisasyon ang kanilang operasyon matapos nasawi ang pito nilang aid workers dahil sa isang pag-atake ng Israel.

Sa pagbabalik ay sinabi ng organisasyon na mayroon silang halos 300 na truck o katumbas ng halos 8-M mga pagkain para sa Gaza.

Nakahanda na anila itong pumasok papuntang Gaza sa pamamagitan ng Rafa crossing.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble